Alam mo ang masakit.
E yung punong puno ka na pero ayaw mong ilabas
Dahil sa tagal mong pinigilan,
Sa tagal ng iyong pamimilipit, sa bawat kaba at pawis, sa bawat pagliyok ng iyong sikmura, sa bawat pagtindig ng iyong balahibo sa hanging dumadaan,
sa iyong waring panlalamig na alam na alam mong ito ang dahilan.. 
Nanggihinayang ka na sa lahat ng emosyon mong tiniis wag lamang itong mapakawalan,
Sa maling pagkakataon, sitwasyon at lugar.
Hindi mo kasi alam kung paano mo lilinisin ang magiging kalat,
Ang iyong sarili at ang bulok nitong amoy na aalingasaw.
Kaya’t hanggang ngayon,
pilit mong iniimbak ang nga basurang  unti unting lumalason sa iyong katawan.
Hanggang ngayon, naghahanap ka ng tamang pagkakataon, ng tamang sitwasyon, ng tamang lugar at tamang tao na tatanggap at tutulong sa iyong kabigatan at karamdaman.
Ngunit sa sandaling itoy hindi mo na kaya, kayat ilalabas mo na,
Pinipilit mong pigilan sa huling sandali.
Ngunit di mo na kaya,,
Kayat eto na…¬†

Bumubulwak,, umaalingsaw,, nag-uumapaw,,,,
Parang kulog na kung gaano mo pinigilan ay syang kasing lakas ng pagbulusok at pagbuga ng mga duming inipon mo ng kaytagal,,
Gusto mong magkubli sa kahihiyan,,
Subalit alam mo na ang bagay na itoy hindi mananatiling sikreto,,,
Huminga ka at pumikit,,,,

(( ang baho)))) ,,, sinung nakaapak ng tae?

Advertisements